At ito ay nangyari na, na matapos ang maraming pagpapagal sa kanila, sila ay nagsimulang magkaroon ng tagumpay sa mga maralitang antas ng mga tao, sapagkat masdan, sila ay itinaboy palabas ng sinagoga dahil sa kagaspangan ng kanilang mga kasuotan—
Anupa’t sila ay hindi pinahintulutang pumasok sa kanilang mga sinagoga upang sumamba sa Diyos, sapagkat itinuturing na karumihan; dahil sa sila ay mga maralita; oo, sila ay itinuturing ng kanilang mga kapatid na kagaya ng taing bakal; dahil sa sila ay kapos sa mga bagay ng daigdig; at gayundin sila ay may mababang-loob. [i]1652[/i]