Ang Misyon sa mga Zoramita sa Antionum

Ang Pamamaraan ng Pagsamba ng Mga Zoramita

Alma 31:12–13
Nang makarating sa Antionum, ang mga misyonero ay natuklasang ang mga Zoramita ay may isang binuong relihiyon na hindi katulad ng mga nakita na nila.
Alma 31:14–18
Ang pamamaraan ng kanilang pagsamba ay kinabibilangan ng pagtuntong sa isang mataas na tore at paulit-ulit na binabanggit ang lapastangang panalangin.
Alma 31:19–23
Si Alma at ang mga misyonero ay nagbigla nang makita silang sumasamba sa ganitong paulit-ulit at walang-saysay na pamamaraan.

Paghahanda sa Pagtuturo

Alma 31:24–25
Si Alma ay malungkot na makita na ang lungsod ay nasasadlak sa pagpapakasasa sa kayamanan at kapalaluan.
Alma 31:26–35
Si Alma ay nanalangin para sa tagumpay sa pangangaral sa mga tao, at humingi ng pagpapala na mapasakanya at sa iba pang mga misyonero.
Alma 31:36
Tinapos ni Alma ang kanyang panalangin, ipinatong ang kanyang mga kamay, at napuspos ng Espiritu.
Alma 31:37–38
Naghiwa-hiwalay ang mga misyonero at humayo upang mangaral ng ebanghelyo.
Alma 39:3–4
Si Corianton ay lumihis ng landas para sundan ang isang patutot na nagngangalang Isabel.

Mga Turo ng Mga Misyonero

Alma 32:1
Ang mga misyonero ay nagsimulang mangaral.
Alma 32:2–3
Matapos ng labis na pag-gawa, nagsimula silang makakita ng tagumpay sa mga mahihirap na mamamayan, na hindi pinahihintulutang sumamba kasama ng iba.
Alma 38:3–4
Si Shiblon ay nahuli at iginapos, ngunit pinasan niya ang kanyang mga paghihirap na may pagtiyatiyaga at kalakasan, nagtitiwala sa Diyos.
Alma 32:4
Si Alma ay nagturo sa iang mga tao sa bundok ng Onidas, nang biglang, isang malaking pangkat ng mga mahihirap na tao ang dumating mula sa likuran.
Alma 32:5
Ang mga mahihirap na tao ay nagpaliwanag na hindi sila maaaring pumasok sa simbahan, at sa gayon, ay walang pagkakataong makasamba.
Alma 32:6
Si Alma ay lumingon, at hinayaan ang nauna niyang mga tagapakinig, at ibinaling ang kanyang pansin sa mga mahihirap na tao.
Alma 32:7
Si Alma, na ipinasasawalang-bahala ang iba, ay nagsimulang magturo sa mga nagsisisi.