Ang Misyon sa mga Zoramita sa Antionum

Paghahanda sa Pagtuturo

Alma 31:24–25

Si Alma ay malungkot na makita na ang lungsod ay nasasadlak sa pagpapakasasa sa kayamanan at kapalaluan.

Ngayon, nang makita ito ni Alma, ang kanyang puso ay nalungkot; sapagkat kanyang nakita na sila ay masasama at mga naliligaw na tao; oo, nakita niya na ang kanilang mga puso ay nakalagak sa ginto, at sa pilak, at sa lahat ng uri ng maiinam na bagay. Oo, kanyang nakita rin na ang kanilang mga puso ay iniangat hanggang sa labis na pagmamalaki, sa kanilang kapalaluan.

Alma 31:26–35

Si Alma ay nanalangin para sa tagumpay sa pangangaral sa mga tao, at humingi ng pagpapala na mapasakanya at sa iba pang mga misyonero.

At itinaas niya ang kanyang tinig sa langit, at nagsumamo, sinasabing:

Alma 31:36

Tinapos ni Alma ang kanyang panalangin, ipinatong ang kanyang mga kamay, at napuspos ng Espiritu.

Ngayon ito ay nangyari na, nang sabihin ni Alma ang mga salitang ito, na ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa kanilang lahat na kasama niya. At masdan, nang ipatong niya ang kanyang mga kamay sa kanila, sila ay napuspos ng Banal na Espiritu.

Alma 31:37–38

Naghiwa-hiwalay ang mga misyonero at humayo upang mangaral ng ebanghelyo.

At matapos yaon ay naghiwa-hiwalay ang bawat isa sa kanila, hindi nag-aalaala para sa kanilang sarili kung ano ang kanilang kakainin, o kung ano ang kanilang iinumin, o kung ano ang kanilang isusuot. At ang Panginoon ang naglaan para sa kanila upang hindi sila magutom, ni ang sila ay mauhaw; oo, at kanya ring binigyan sila ng lakas, upang hindi sila magdanas ng ano mang uri ng paghihirap, maliban sa malulon sa kagalakan dahil kay Cristo. Ngayon, ito ay naaalinsunod sa panalangin ni Alma; at ito ay dahil sa nanalangin siya nang may pananampalataya.

Alma 39:3–4

Si Corianton ay lumihis ng landas para sundan ang isang patutot na nagngangalang Isabel.

At hindi lamang ito, anak ko, iyong ginawa yaong nakasasakit sa akin, sapagkat iyong tinalikuran ang ministeryo, at nagtungo sa lupain ng Siron sa mga hangganan ng mga Lamanita sa pagsunod sa patutot na si Isabel. Oo, kanyang naakit ang mga puso ng marami; ngunit ito ay hindi sapat na dahilan para sa iyo, anak ko. Dapat na nagsilbi ka sa ministeryo na siyang ipinagkatiwala sa iyo.