At hindi lamang ito, anak ko, [i]3098[/i] iyong ginawa yaong nakasasakit sa akin, sapagkat iyong tinalikuran ang ministeryo, at nagtungo sa lupain ng Siron sa mga hangganan ng mga Lamanita sa pagsunod sa patutot na si Isabel. Oo, kanyang naakit ang mga puso ng marami; ngunit ito ay hindi sapat na dahilan para sa iyo, anak ko. Dapat na nagsilbi ka sa ministeryo na siyang ipinagkatiwala sa iyo.