O Panginoon, nawa’y aliwin ninyo ang aking kaluluwa, at ibigay sa akin ang tagumpay, at gayon din sa mga kapwa ko manggagawa na mga kasama ko—oo, sina Ammon, at Aaron, at Omner, at gayon din sina Amulek at Zisrom, at gayon din ang dalawa kong anak na lalaki—oo, nawa’y aliwin ninyo maging lahat sila, O Panginoon. Oo, nawa’y aliwin ninyo ang kanilang mga kaluluwa kay Cristo.