O Panginoong Diyos, gaano katagal ninyong pahihintulutang magkaroon ng ganitong kasamaan at kawalan ng paniniwala sa mga taong ito? O Panginoon, nawa’y pagkalooban ninyo ako ng lakas, upang makayanan ko ang aking mga kahinaan. Sapagkat ako ay mahina, at ang gayong kasamaan sa mga taong ito ay sumusugat sa aking kaluluwa.
O Panginoon, ang aking puso ay labis na nalulungkot, nawa’y aliwin ninyo ang aking kaluluwa kay Cristo. O Panginoon, nawa’y ipahintulot ninyong ako ay magkaroon ng lakas, upang mabata ko nang may pagtitiis ang mga paghihirap na ito na kasasapitan ko, dahil sa kasamaan ng mga taong ito.