Nawa’y ipagkaloob ninyo sa kanila na sila ay magkaroon ng lakas upang mabata nila ang kanilang mga paghihirap na kasasapitan nila dahil sa mga kasamaan ng mga taong ito. O Panginoon, nawa’y ipagkaloob ninyo sa amin na ang tagumpay ay matamo namin sa muling pagdadala sa kanila sa inyo sa pamamagitan ni Cristo.