[Alma 31:26–35] Malaking kasamaan

O, gaano katagal, O Panginoon, na pahihintulutan ninyo ang inyong mga tagapaglingkod na mamalagi rito sa ibaba sa laman, upang mamasdan ang ganitong napakalaking kasamaan sa mga anak ng tao? Masdan, O Diyos, sila ay nagsusumamo sa inyo, at gayon man ang kanilang mga puso ay nalulon sa kanilang kapalaluan. Masdan, O Diyos, sila ay nagsusumamo sa inyo sa pamamagitan ng kanilang mga bibig, samantalang sila ay nagmamataas, maging sa kasukdulan, sa mga bagay na walang kabuluhan ng daigdig.

From section: Paghahanda sa Pagtuturo

From page: Ang Misyon sa mga Zoramita sa Antionum

Commentary