Ngayon, nang sila ay makarating sa lupain, [i]1641[/i] masdan, sa kanilang panggigilalas nalaman nilang ang mga Zoramita ay nagtayo ng mga sinagoga, [i]1642[/i] [i]3080[/i] at na sama-samang tinitipon nila ang kanilang sarili isang araw sa isang linggo, kung aling araw na iyon ay tinatawag nilang araw ng Panginoon; at sila ay sumasamba alinsunod sa pamamaraang kailanma’y hindi pa namasdan ni Alma at ng kanyang mga kapatid;
Sapagkat may lugar silang itinayo sa gitna ng kanilang sinagoga, [i]3079[/i] isang lugar na tindigan, na mataas sa ulo; [i]3081[/i] at sa tuktok niyon ay isang tao lamang ang makapapasok. [i]1643[/i]