Alma 31:14–18

Samakatwid, sino man ang magnais na sumamba ay kailangang magtungo at tumindig sa tuktok niyon, [i]1644[/i] at iunat ang kanyang mga kamay sa langit, [i]1177[/i] at magsumamo sa malakas na tinig, [i]1645[/i] sinasabing:

Banal, banal na Diyos;

Naniniwala kaming kayo ay Diyos,
_at naniniwala kaming kayo ay banal,
_at na kayo ay espiritu,
_at mananatiling espiritu magpakailanman.

Banal na Diyos, naniniwala kaming
_inihiwalay ninyo kami sa aming mga kapatid;

At hindi kami naniniwala
_sa kaugalian ng aming mga kapatid,
_na ipinasa-pasa sa kanila
_sa pagiging isip-bata ng kanilang mga ama.

Kundi naniniwala kaming hinirang ninyo kami
_upang inyong maging mga banal na anak;

At inyo ring ipinaalam sa amin
_na hindi magkakaroon ng Cristo.

Kundi kayo ay siya ring
_kahapon, ngayon, at magpakailanman.

At hinirang ninyo kami
_upang kami’y maligtas,
_niloob na lahat ng yaong nasa aming paligid ay hinirang
_na iwaksi ng inyong kapootan pababa sa impiyerno;

Kung aling kabanalan,
_O Diyos, ay nagpapasalamat kami sa inyo;

At nagpapasalamat din kami sa inyo
_na hinirang ninyo kami,
_upang hindi kami maakay palayo
_alinsunod sa mga hangal na kaugalian ng aming mga kapatid,
_na gumagapos sa kanila sa isang paniniwala kay Cristo,
_na umaakay sa kanilang mga puso upang lumihis palayo mula sa inyo, aming Diyos.

At muli nagpapasalamat kami sa inyo,
_O Diyos, na kami ay mga pinili
_at banal na tao.
_Amen. [i]1646[/i]

From section: Ang Pamamaraan ng Pagsamba ng Mga Zoramita

From page: Ang Misyon sa mga Zoramita sa Antionum

Commentary