Ngayon ito ay nangyari na, na matapos marinig ni Alma at ng kanyang mga kapatid at ng kanyang mga anak ang mga panalanging ito, sila ay nanggilalas nang hindi masusukat. Sapagkat masdan, humayo ang bawat tao at naghandog ng gayon ding mga panalangin. Ngayon, ang lugar ay tinawag nilang Ramiumptum, na, ang ibig ipakahulugan, ay banal na tindigan.
Ngayon, mula sa tindigang ito sila ay naghahandog, bawat tao, ng gayon ding panalangin sa Diyos, pinasasalamatan ang kanilang Diyos na kanyang mga pinili sila, at na hindi niya inakay sila palayo alinsunod sa kaugalian ng kanilang mga kapatid, at na hindi nahikayat ang kanilang mga puso na maniwala sa mga bagay na darating, kung saan sila’y walang ano mang nalalaman.
Ngayon, matapos na ang lahat ng tao ay makapaghandog ng pasasalamat alinsunod sa pamamaraang ito, sila ay nagsibalik sa kanilang mga tahanan, [i]1647[/i] hindi na muling nangungusap pa hinggil sa kanilang Diyos hanggang sa muli nilang sama-samang tipunin ang sarili sa banal na tindigan, upang maghandog ng pasasalamat alinsunod sa kanilang pamamaraan.