At masdan, sisikat ang isang bagong bituin, [i]1847[/i] isa na hindi pa kailanman namamasdan; at ito rin ay magiging palatandaan ninyo. At masdan hindi lamang ito, magkakaroon pa ng maraming palatandaan at kababalaghan sa langit. At ito ay mangyayari na kayong lahat ay magtataka at mamamangha, kung kaya kayo ay malulugmok sa lupa. At ito ay mangyayari na sinuman ang maniniwala sa Anak ng Diyos, siya rin ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan.