Helaman 14:19–20

Kaya nga, magsisi kayo, magsisi kayo, [i]2984[/i] at baka sa pagkaalam ninyo ng mga bagay na ito at hindi ginagawa ang mga yaon ay pahintulutan ninyo ang inyong sarili na mapasailalim ng kahatulan, at kayo ay madala rito sa ikalawang kamatayan. Ngunit masdan, katulad ng sinabi ko sa inyo hinggil sa isa pang palatandaan, isang palatandaan ng kanyang kamatayan, masdan, sa araw na yaon na siya ay magdaranas ng kamatayan, ang araw ay magdidilim at tatangging magbigay ng kanyang liwanag sa inyo; at gayundin ang buwan at ang mga bituin; at hindi magkakaroon ng liwanag sa ibabaw ng lupaing ito, [i]1848[/i] maging mula sa panahon na siya ay magdaranas ng kamatayan, sa loob ng tatlong araw, hanggang sa panahon na siya ay muling magbabangon mula sa mga patay.

From section: Mga Tanda ng Kamatayan ni Kristo

From page: Ang Mga Propesiya at Mga Pangaral ni Samuel

Commentary