Oo, sa panahong yaon na kanyang ibibigay ang kaluluwa ay magkakaroon ng mga pagkulog at pagkidlat sa loob ng maraming oras, at ang lupa ay mayayanig at mauuga; at ang mga bato na nasa ibabaw ng lupa, na kapwa nasa ibabaw at nasa ilalim ng lupa, na nalalaman ninyo na sa panahong ito ay buo, o ang higit na malaking bahagi nito ay isang buo at matigas, ay mangabibiyak; Oo, yaon ay mahahati sa dalawa, at sa tuwina ay matatagpuan na mga bitak at na mga putok, at na mga pira-piraso sa ibabaw ng buong lupa, oo, maging sa ibabaw ng lupa at sa ilalim. [i]1849[/i]