Alma 43:3–4

At ngayon magbabalik ako sa ulat ng mga digmaang namagitan sa mga Nephita at sa mga Lamanita, sa ikalabingwalong taon ng panunungkulan ng mga hukom. Sapagkat masdan, ito ay nangyari na, na ang mga Zoramita ay naging mga Lamanita; samakatwid, sa pagsisimula ng ikalabingwalong taon na nakita ng mga tao ng mga Nephita na ang mga Lamanita ay sumasalakay sa kanila; [i]3103[/i] kaya nga, sila ay gumawa ng mga paghahanda para sa pakikidigma; oo, kanilang kinalap ang kanilang mga hukbo sa lupain ng Jerson.

From section: Mga Tensiyong Politikal, Mga Alyansa, at Mga Pagkakasalungat

From page: Ang Panahon ng Digmaan ng Zarahemla

Commentary