At ito ay nangyari na, na ang mga Lamanita ay sumalakay na kasama ang kanilang mga libu-libo; at nakarating sila sa lupain ng Antionum, na lupain ng mga Zoramita; at isang lalaking nagngangalang Zerahemnas ang kanilang pinuno. [i]1674[/i] At ngayon, dahil ang mga Amalekita ay higit na masasama at handang pumaslang kaysa sa mga Lamanita, sa at ng kanilang sarili; kaya nga, si Zerahemnas ay naghirang ng mga punong kapitan sa mga Lamanita, at mga Amalekita at Zoramita silang lahat.
Ngayon, ito ay ginawa niya upang mapanatili ang kanilang pagkapoot sa mga Nephita, upang kanyang madala sila sa pagkaalipin na magiging katuparan ng kanyang mga hangarin. Sapagkat masdan, ang kanyang mga hangarin ay pukawin ang mga Lamanita na magalit laban sa mga Nephita; ito ay ginawa niya upang siya ay makakamkam ng malaking kapangyarihan sa kanila, at upang siya ay makakuha rin ng kapangyarihan sa mga Nephita sa pamamagitan ng pagdadala sa kanila sa pagkaalipin.