At ngayon, ang hangarin ng mga Nephita ay itaguyod ang kanilang mga lupain, at kanilang mga tahanan, at kanilang mga asawa, at kanilang mga anak, upang mapangalagaan sila mula sa mga kamay ng kanilang mga kaaway; at upang mapangalagaan din nila ang kanilang mga karapatan at kanilang mga pribilehiyo, oo, at ang kanila ring kalayaan, upang sila ay makasamba sa Diyos alinsunod sa kanilang mga naisin. [i]1675[/i]
Sapagkat nalalaman nila na kung sila ay babagsak sa mga kamay ng mga Lamanita, na sino man ang sasamba sa Diyos sa espiritu at sa katotohanan, sa tunay at buhay na Diyos, ay lilipulin ng mga Lamanita.