Alma 43:23–24

Subalit ito ay nangyari na, kapagdaka nang sila ay makalisan patungo sa ilang ay nagpasugo si Moroni ng mga tiktik sa ilang upang manmanan ang kanilang kuta; [i]3106[/i] at si Moroni rin, nalalaman ang mga propesiya ni Alma, ay nagpasugo ng ilang tao sa kanya, hinihiling sa kanya na magtanong sa Panginoon kung saan tutuloy ang mga hukbo ng mga Nephita upang maipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga Lamanita.

At ito ay nangyari na, na ang salita ng Panginoon ay dumating kay Alma, [i]1680[/i] at ipinaalam ni Alma sa mga mensahero ni Moroni, [i]3107[/i] na ang mga hukbo ng mga Lamanita ay lumilibot sa ilang, upang sila ay makarating sa lupain ng Manti, upang masimulan nila ang pagsalakay sa mahihinang bahagi ng mga tao. At ang mga mensaherong yaon ay lumisan at dinala ang mensahe kay Moroni.

From section: Relokasyon sa Manti

From page: Ang Panahon ng Digmaan ng Zarahemla

Commentary