Alma 43:25–26

Ngayon, si Moroni, na nag-iwan ng isang bahagi ng kanyang hukbo sa lupain ng Jerson, [i]3108[/i] na baka sa anumang paraan ay sumalakay ang isang bahagi ng mga Lamanita sa lupaing yaon at maangkin ang lunsod, ay dinala ang nalabing bahagi ng kanyang hukbo at nagtungo sa lupain ng Manti. [i]1681[/i]

At kanyang pinapangyari na ang lahat ng tao sa dakong yaon ng lupain ay sama-samang tipunin ang kanilang sarili upang makidigma laban sa mga Lamanita, upang ipagtanggol ang kanilang mga lupain at ang kanilang bayan, ang kanilang mga karapatan at kanilang mga kalayaan; kaya nga, sila ay nakahanda laban sa panahon ng pagdating ng mga Lamanita.

From section: Relokasyon sa Manti

From page: Ang Panahon ng Digmaan ng Zarahemla

Commentary