Alma 51:14–16

At ito ay nangyari na, nang makita ito ni Moroni, [i]2064[/i] at nakita ring dumarating ang mga Lamanita sa mga hangganan ng lupain, siya ay labis na napoot dahil sa katigasan ng yaong mga taong kanyang labis na pinagsikapang pangalagaan; oo, siya ay labis na napoot; ang kanyang puso ay napuspos ng galit laban sa kanila.

At ito ay nangyari na, na siya ay nagpadala ng kahilingan, lakip ang tinig ng mga tao, sa gobernador ng lupain, [i]1715[/i] hinihiling na basahin niya ito, at bigyan siya (si Moroni) ng kapangyarihan upang pilitin ang mga tumiwalag na yaon na ipagtanggol ang kanilang bayan o sila ay patayin. Sapagkat ito ang kanyang unang hangarin, ang wakasan ang mga gayong alitan at pagtatalu-talo sa mga tao; sapagkat masdan, ito ay naging dahilan noon ng lahat ng kanilang pagkalipol. At ito ay nangyari na, na ito ay pinahintulutan alinsunod sa tinig ng mga tao.

From section: Awayang King-Men sa Bingit ng Digmaan

From page: Ang Panahon ng Digmaan ng Zarahemla

Commentary