At ito ay nangyari na, na may apat na libo ng mga tumiwalag na yaon ang pinabagsak ng espada; at yaong mga pinuno nila na hindi napatay sa digmaan ay dinakip at itinapon sa bilangguan, sapagkat wala nang oras para sa kanilang paglilitis sa panahong ito. [i]1716[/i]
At ang nalalabing mga tumiwalag na yaon, kaysa sa tagpasin sa lupa ng espada, ay sumuko sa diwa ng kalayaan, at napilitang itaas ang bandila ng kalayaan sa kanilang mga tore, at sa kanilang mga lunsod, at humawak ng mga sandata sa pagtatanggol ng kanilang bayan.
At sa gayon winakasan ni Moroni ang mga king-men, kung kaya’t wala nang nakilala pa sa pangalang king-men; [i]3247[/i] at sa gayon nawakasan niya ang katigasan at kapalaluan ng mga yaong taong naghahayag na sila ay mga dugong bughaw; sa halip sila ay ibinaba upang magpakumbaba ng kanilang sarili na katulad ng kanilang mga kapatid at makipaglaban nang buong giting para sa kanilang kalayaan sa pagkaalipin.