Alma 51:24–25

At yaong mga nagsitakas sa lunsod ng Moroni ay nagtungo sa lunsod ng Nefihas; [i]3248[/i] at ang mga tao rin ng lunsod ng Lehi ay sama-samang tinipon ang kanilang sarili at gumawa ng mga paghahanda at nakahandang harapin ang mga Lamanita upang makidigma. Subalit ito ay nangyari na, na tumangging pahintulutan ni Amalikeo ang mga Lamanita na sumalakay sa lunsod ng Nefihas upang makidigma, kundi pinanatili sila sa may dalampasigan, nag-iiwan ng mga tauhan sa bawat lunsod upang pangalagaan at ipagtanggol ito.

From section: Paglusob ng Mga Lamanita

From page: Ang Panahon ng Digmaan ng Zarahemla

Commentary