Alma 52:1–2

At ngayon, ito ay nangyari na, na sa ikadalawampu at anim na taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi, masdan, nang magising ang mga Lamanita sa unang umaga ng unang buwan, masdan, natagpuan nilang patay na si Amalikeo sa kanyang sariling tolda; [i]3251[/i] at nakita rin nilang nakahanda na si Tiankum na makidigma sa kanila sa araw na yaon.

At ngayon, nang makita ito ng mga Lamanita sila ay natakot; at tinalikdan nila ang kanilang balak na paghayo sa lupaing kahilagaan, at umurong ang kanilang buong hukbo patungo sa lunsod ng Mulek, at naghanap ng kaligtasan sa kanilang mga muog.

From section: Paghahati ng Hukbo ng Lamanita Papuntang Silanganan at Kanluran

From page: Ang Panahon ng Digmaan ng Zarahemla

Commentary