Alma 52:13–14

At sa gayon niya sinisikap na ligaligin ang mga Nephita, at ipagtabuyan ang ilang bahagi ng kanilang mga hukbo sa bahaging yaon ng lupain, habang inutusan niya ang mga yaong kanyang iniwanan na angkinin ang mga lunsod na kanyang nasakop, nang maligalig din nila ang mga Nephita sa mga hangganan ng silangang dagat, at angkinin ang kanilang mga lupain hangga’t makakaya nila, alinsunod sa lakas ng kanilang mga hukbo.

At sa gayon ang mga Nephita ay nasa mga mapanganib na katayuang yaon sa pagtatapos ng ikadalawampu at anim na taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi.

From section: Paghahati ng Hukbo ng Lamanita Papuntang Silanganan at Kanluran

From page: Ang Panahon ng Digmaan ng Zarahemla

Commentary