Subalit ito ay nangyari na, na si Coriantumer ay humayo sa unahan ng kanyang napakalaking hukbo, at sinalakay ang mga naninirahan sa lunsod, at naging napakabilis ng kanilang pagsulong na wala nang panahon pa upang makalap ng mga Nephita ang kanilang mga hukbo.
Samakatwid pinatay ni Coriantumer ang bantay sa pasukan ng lunsod, at humayong kasama ang kanyang buong hukbo patungo sa lunsod, at pinatay nila ang lahat ng humadlang sa kanila, hanggang sa maangkin nila ang buong lunsod. At ito ay nangyari na, na si Pacumeni, na siyang punong hukom, ay tumakas sa harapan ni Coriantumer, maging hanggang sa mga pader ng lunsod. At ito ay nangyari na, na inihampas siya ni Coriantumer sa pader, hanggang sa siya ay mamatay. [i]3298[/i] At sa gayon nagtapos ang mga araw ni Pacumeni.