Subalit masdan, ang paghayong ito ni Coriantumer sa gitna ng lupain ang nagbigay kay Moronihas ng malaking kalamangan sa kanila, sa kabila ng malaking bilang ng mga Nephita na napatay. [i]3300[/i] Sapagkat masdan, inakala ni Moronihas na ang mga Lamanita ay hindi magtatangkang pasukin ang gitna ng lupain, kundi sasalakayin nila ang mga lunsod sa paligid na nasa mga hangganan tulad ng kanilang ginawa noon; kaya nga pinapangyari ni Moronihas na ang kanilang malakas na hukbo ay pangalagaan ang mga yaong bahagi na nasa paligid na malapit sa mga hangganan.
Subalit masdan, ang mga Lamanita ay hindi natakot alinsunod sa kanyang nais, kundi pinasok nila ang gitna ng lupain, at sinakop ang kabisera na lunsod ng Zarahemla, at humayo sa mga pinakakabiserang bahagi ng lupain, pinapatay ang mga tao ng isang malaking pagkatay, kapwa kalalakihan, kababaihan at maliliit na bata, inaangkin ang maraming lunsod at maraming muog.