At ngayon ito ay nangyari na, na sa pagsisimula ng ikalabingsiyam na taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi, na si Helaman ay humayo sa mga tao upang ipahayag ang salita sa kanila. [i]3201[/i] Sapagkat masdan, dahil sa kanilang mga pakikidigma sa mga Lamanita at sa maraming maliit na pagtatalu-talo at kaguluhang naganap sa mga tao, ay kinailangang ipahayag ang salita ng Diyos sa kanila, oo, at kinailangang magkaroon ng isang pamamalakad sa buong simbahan.