Alma 45:22–24

Kaya nga, si Helaman at ang kanyang mga kapatid ay humayo upang itatag na muli ang simbahan sa lahat ng lupain, oo, sa bawat lunsod sa lahat ng dako ng buong lupain na pag-aari ng mga tao ni Nephi. At ito ay nangyari na, na sila ay naghirang ng mga saserdote at guro sa lahat ng dako ng buong lupain, sa lahat ng simbahan.

At ngayon ito ay nangyari na, na matapos makapaghirang si Helaman at ang kanyang mga kapatid ng mga saserdote at guro sa mga simbahan ay nagkaroon ng pagtatalu-talo sa kanila, at sila ay tumangging makinig sa mga salita ni Helaman at ng kanyang mga kapatid; [i]2940[/i] Kundi sila ay naging palalo, naging mapagmataas sa kanilang mga puso, dahil sa kanilang labis-labis na kayamanan; [i]3202[/i] anupa’t sila ay naging mayayaman sa kanilang sariling mga paningin, at tumangging makinig sa kanilang mga salita, na lumakad ng matwid sa harapan ng Diyos.

From section: Si Helaman at Ang Simbahan

From page: Ang Panahon ng Digmaan ng Zarahemla

Commentary