Alma 50:26–27

Sapagkat masdan, ang mga taong nagmamay-ari sa lupain ng Morianton ay nag-angkin ng isang bahagi sa lupain ng Lehi; anupa’t nagsimulang magkaroon ng mainit na alitan sa pagitan nila, hanggang sa ang mga tao ng Morianton ay humawak ng mga sandata laban sa kanilang mga kapatid, at nagtika sila sa pamamagitan ng espada na patayin sila.

Subalit masdan, ang mga taong nagmamay-ari sa lupain ng Lehi ay nagsitakas patungo sa kuta ni Moroni, at humingi ng tulong sa kanya; sapagkat masdan hindi sila ang nasa kamalian. [i]3240[/i]

From section: Ang Paghihimagsik ni Morianton

From page: Ang Panahon ng Digmaan ng Zarahemla

Commentary