Alma 50:34–35

At ito ay nangyari na, na hindi nila sila nahadlangan hanggang sa sila ay makarating sa mga hangganan ng lupaing Kapanglawan; at doon nila sila nahadlangan, sa makitid na daanang nagtutuloy sa tabi ng dagat patungo sa lupaing kahilagaan, oo, sa tabing dagat, sa kanluran at sa silangan.

At ito ay nangyari na, na ang hukbong ipinadala ni Moroni, na pinamumunuan ng isang lalaki na nagngangalang Tiankum, ay humarap sa mga tao ni Morianton; at labis na matitigas ang mga tao ni Morianton, (dahil sa nahikayat ng kanyang kasamaan at ng kanyang mahihibok na salita) kaya nga nagsimula ang isang digmaan sa pagitan nila, kung saan ay napatay ni Tiankum si Morianton at tinalo ang kanyang hukbo, at dinala silang mga bihag, at bumalik sa kuta ni Moroni. [i]3243[/i]

From section: Ang Paghihimagsik ni Morianton

From page: Ang Panahon ng Digmaan ng Zarahemla

Commentary