At inuutos ko sa inyong gawin ang mga bagay na ito nang may takot sa Panginoon; at inuutos ko sa inyong gawin ang mga bagay na ito, at huwag kayong magkaroon ng hari; na kung ang mga taong ito ay makagawa ng mga kasalanan at kasamaan, ang mga ito ay pananagutan ng kanilang sariling mga ulo. Sapagkat masdan sinasabi ko sa inyo, ang mga kasalanan ng maraming tao ay sanhi ng mga kasamaan ng kanilang mga hari; samakatwid, ang kanilang mga kasalanan ay pananagutan ng ulo ng kanilang mga hari.
At ngayon ninanais ko na itong hindi pagkakapantay-pantay ay mawala sa lupaing ito, lalung-lalo na sa itong aking mga tao; bagkus ninanais ko na ang lupaing ito ay maging isang lupain ng kalayaan, at ang bawat tao ay magtamasa ng kanyang mga karapatan at pribilehiyo nang magkakatulad habang minamarapat ng Panginoon na tayo ay mabuhay at manahin ang lupain, oo, maging habang ang sinuman sa ating angkan ay nananatili sa ibabaw ng lupain.