Mosiah 7:4–6

At ngayon, hindi nila alam kung anong landas ang kanilang tatahakin sa ilang upang makaahon sa lupain ng Lehi-Nephi; kaya nga, nagpagala-gala sila ng maraming araw sa ilang, maging sa apatnapung araw silang nagpagala-gala. At nang nakagala na sila ng apatnapung araw ay nakarating sila sa isang burol, na nasa hilaga ng lupain ng Silom, at doon nila itinayo ang kanilang mga tolda. [i]2403[/i] At ipinagsama ni Ammon ang tatlo sa kanyang mga kapatid, at ang kanilang mga pangalan ay Amaleki, Helem, at Hem, at bumaba sila sa lupain ng Nephi.

From section: Paglikas Mula sa Zarahemla

From page: Grupo ng Mga Mananaliksik Ipinadala ni Mosiah sa Lupain ng Nephi

Commentary