At ngayon, ito ay nangyari na, na si Alma, na nakatakas mula sa mga tagapagsilbi ni haring Noe, ay nagsisi ng kanyang mga kasalanan at kasamaan, at humayo nang palihim sa mga tao, at nagsimulang ituro ang mga salita ni Abinadi— [i]1478[/i]
Oo, hinggil doon sa kung alin ay darating, at hinggil din sa pagkabuhay na mag-uli ng mga patay, at ang pagtubos sa mga tao, na maisasakatuparan sa pamamagitan ng kapangyarihan, at mga pagdurusa, at pagkamatay ni Cristo, at ang kanyang pagkabuhay na mag-uli at pag-akyat sa langit.
At kasindami ng nakikinig sa kanyang salita ay tinuruan niya. At kanya silang tinuruan nang palihim, [i]2799[/i] upang ito ay hindi makarating sa kaalaman ng hari. At marami ang naniwala sa kanyang mga salita.