At ito ay nangyari na, na kasindami ng naniwala sa kanya ay nagsitungo sa isang lugar na tinawag na Mormon, [i]2800[/i] matapos tanggapin ang pangalang iyon mula sa hari, na nasa mga hangganan ng lupain na pinamumugaran, sa mga kapanahunan o sa mga panahon, ng mababangis na hayop.
Ngayon, sa Mormon ay may isang bukal ng dalisay na tubig, [i]2044[/i] at dito nagtungo si Alma, doon sa malapit sa kasukalan ng maliliit na puno, [i]2451[/i] kung saan niya itinatago ang sarili sa araw mula sa paghahanap ng hari. [i]1479[/i]
At ito ay nangyari na, na kasindami ng naniwala sa kanya ay nagtungo roon upang makinig sa kanyang mga salita. At ito ay nangyari na, na matapos ang maraming araw ay may di mumunting bilang ang nagtipong magkakasama sa lugar ng Mormon, upang makinig sa mga salita ni Alma. [i]2801[/i] Oo, sama-samang nagtipong lahat ang naniniwala sa kanyang salita, upang makinig sa kanya. At sila ay tinuruan niya, at ipinangaral sa kanila ang pagsisisi, at pagtubos, at pananampalataya sa Panginoon.