Makinig at masdan ito, O sambahayan ni Jacob,
_na tinatawag sa pangalang Israel,
_at nagsilabas mula sa mga bukal ng Juda,
_(o mula sa mga tubig ng pagbibinyag),
Na nagsisumpa sa pangalan ng Panginoon,
_at nagsibanggit ng Diyos ng Israel,
_datapwat hindi sila nagsisumpa sa katotohanan ni sa katwiran.
Gayon pa man, tinatawag nila ang kanilang sarili alinsunod sa pangalan ng banal na lunsod,
_subalit hindi sila nanalig sa Diyos ng Israel,
_na Panginoon ng mga Hukbo;
_oo, ang Panginoon ng mga Hukbo ang kanyang pangalan.
Masdan, aking ipinahayag ang mga dating bagay mula noong una;
_at yaon ay lumabas mula sa aking bibig, at aking ipinakilala sila.
_Bigla kong ipinakita sila.
At ginawa ko ito dahil sa nalalaman ko na ikaw ay mapagmatigas,
_at ang iyong leeg ay parang litid na bakal,
_at ang iyong noo ay parang tanso.
Kaya’t aking ipinahayag sa iyo mula pa noong una;
_bago ito nangyari ay ipinakita ko na ang mga yaon sa iyo;
At ipinakita ko ang mga yaon dahil sa pangambang baka iyong sabihin—
_Ginawa ito ng aking mga diyus-diyusan, [i]2246[/i]
_at ng aking nililok na larawan,
_at ang aking larawang binubo ang siyang nag-utos niyaon.