Iyong nakita at narinig ang lahat ng ito;
_at hindi ba ninyo ihahayag ang mga ito?
At aking ipinakita sa inyo ang mga bagong bagay mula sa panahong ito,
_maging mga kubling bagay,
_at hindi mo nalaman ang mga ito.
Nilikha ngayon ang mga ito, at hindi noong panahong nakalipas,
_maging bago dumating ang araw na ito ay hindi mo narinig
_na ang mga yaon ay ipinahayag sa iyo,
_baka iyong sabihin—Masdan, aking nalalaman ang mga yaon.
Oo, at hindi mo narinig;
_oo, hindi mo nalalaman;
Oo, mula noon pa ay hindi nabuksan ang iyong tainga;
_sapagkat nalalaman ko na ikaw ay gumawa ng totoong may kataksilan,
_at tinawag na makasalanan mula sa sinapupunan.