Gayon pa man, alang-alang sa aking pangalan ay aking pinipigil ang aking galit,
_at dahil sa kapurihan ko ay magtitimpi sa iyo,
_upang hindi kita ihiwalay.
Sapagkat, masdan, dinalisay kita,
_pinili kita mula sa hurno ng paghihirap.
Dahil din sa akin, oo, dahil din sa akin, aking gagawin yaon,
_sapagkat hindi ko pahihintulutang lapastanganin ang aking pangalan,
_at ang kaluwalhatian ko ay hindi ko ibibigay sa iba.