Subalit, masdan, sinabi ng Sion:
‘Pinabayaan ako ng Panginoon,
_at kinalimutan ako ng aking Panginoon—
_subalit ipakikita niya na hindi gayon.’Sapagkat malilimutan ba ng isang ina ang
kanyang anak na pinasususo,
_na hindi siya maaawa
_sa anak ng kanyang sinapupunan?Oo, maaaring makalimot siya,
_gayon pa man hindi kita malilimutan, O sambahayan ni Israel.Masdan, aking inanyuan ka sa mga palad ng aking mga kamay; [i]1083[/i]
_ang iyong mga muog ay laging nasa harapan ko.Ang inyong mga anak ay magsisipagdali sa mga mangwawasak;
_at ang sumisira sa iyo ay aalisin mula sa iyo.Itingin mo ang iyong mga mata sa palibot, at masdan;
_lahat ng ito ay sama-samang nagtitipun-tipon,
_at paparito sila sa iyo. [i]2250[/i]