At yamang ako ay buhay, wika ng Panginoon,
_ikaw ay mabibihisan ng lahat ng yaon,
_na parang pinaka-gayak,
_at mabibigkisan ka ng mga yaon na tulad ng isang kasintahang babae.Sapagkat tungkol sa iyong mga sira at sa iyong mapapanglaw na dako,
_at sa iyong lupaing nawasak,
_maging ngayon ay totoong napakakipot dahil sa mga naninirahan.At silang nagsisakmal sa iyo ay mangalalayo.
Ang iyong mga magiging anak,
_matapos mong mawala ang una,
_ay muling magsasabi sa iyong mga tainga:
_Ang lugar ay labis na makipot para sa akin;
_bigyan mo ako ng lugar upang aking matirahan.
Pagkatapos sasabihin mo sa iyong puso:
Sino ang nagbigay ng mga ito sa akin,
_nalalamang nawalan ako ng mga anak,
_at nag-iisa, isang bihag,
_at lumalaboy na paroo’t parito?
_At sinong nagpalaki ng mga ito?
_Masdan, ako ay naiwang nag-iisa;
_ang mga ito, saan sila nanggaling?