Ganito ang wika ng Panginoong Diyos:
Masdan, itataas ko ang aking kamay sa mga Gentil,
_at itatayo ko ang aking sagisag sa mga tao;
_at kakalungin nila ang iyong mga anak na lalaki sa kanilang mga bisig,
_at ang iyong mga anak na babae ay papasanin ng kanilang mga balikat.At mga hari ang iyong magiging mga tagakandiling ama,
_at ang kanilang mga reyna ay iyong mga tagakandiling ina;
_magsisiyukod sila sa iyo
_na ang kanilang mga mukha ay nasa lupa,
_at hihimurin ang alikabok ng iyong mga paa;
_at iyong makikilala na ako ang Panginoon;
_sapagkat ang mga naghihintay sa akin ay hindi mahihiya.Sapagkat makukuha ba sa makapangyarihan ang kanyang huli,
_o ang talagang nabihag ay makalalaya?