1 Nephi 21:25–26

Subalit ganito ang wika ng Panginoon,

Maging ang mga bihag ng makapangyarihan ay kukunin,
_at ang huli ng kakila-kilabot ay makalalaya;
_sapagkat makikipaglaban ako sa kanya na nakikipaglaban sa iyo,
_at ililigtas ko ang iyong mga anak.

At pakakainin ko sila na nang-aapi sa iyo ng kanilang sariling laman;
_at malalango sila ng kanilang sariling dugo
_gaya ng matamis na alak;
_at makikilala ng lahat ng tao na ako, ang Panginoon,
_ang iyong Tagapagligtas at iyong Manunubos,
_ang Makapangyarihan ni Jacob.

From section: Ang Mga Hentil at Ang Panunumbalik ng Israel [Isaias 49:8-26]

From page: Ang Mga Sulat ni Isaiah sa Laminang Tanso na Sinipi ni Nephi

Commentary