At ngayon, anak ko, ako ay nangungusap sa iyo hinggil doon sa labis na nakapagpapadalamhati sa akin; sapagkat nakapagpapadalamhati sa akin na may mga pagtatalong lumilitaw sa inyo. Sapagkat, kung nalaman ko ang katotohanan, na nagkaroon ng mga pagtatalo sa inyo hinggil sa pagbibinyag sa maliliit na anak ninyo. At ngayon, anak ko, nais ko na ikaw ay masigasig na magpagal, upang ang malaking kamaliang ito ay maalis sa inyo; sapagkat, sa ganitong layunin sinulat ko ang liham na ito.