Minamahal kong anak, Moroni, ako ay labis na nagagalak na ang Panginoong Jesucristo ay naging maalalahanin sa iyo, at tinawag ka sa kanyang ministeryo, at sa kanyang banal na gawain. Lagi kitang naaalaala sa aking mga panalangin, patuloy na dumadalangin sa Diyos Ama sa pangalan ng kanyang Banal na Anak, na si Jesus, na siya, sa pamamagitan ng kanyang walang hanggang kabutihan at biyaya, ay ingatan ka sa pamamagitan ng tatag ng pananampalataya sa kanyang pangalan hanggang wakas.