[Moroni 8:1–30] Ang mga batang bata ay buo.

Sapagkat kapagdaka, matapos na aking malaman ang mga bagay na ito mula sa iyo, ako ay nagtanong sa Panginoon hinggil sa bagay na iyon. At ang salita ng Panginoon ay nagpahayag sa akin sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, sinasabing:

Makinig sa mga salita ni Cristo, na iyong Manunubos, na iyong Panginoon at iyong Diyos. Masdan, ako ay pumarito sa daigdig hindi upang tawagin ang mabubuti kundi ang mga makasalanan sa pagsisisi; ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot, kundi sila na maykaramdaman; kaya nga, ang maliliit na bata ay buo, sapagkat wala silang kakayahang gumawa ng kasalanan; dahil dito, ang sumpa kay Adan ay kinuha mula sa kanila dahil sa akin, kung kaya’t iyon ay walang kapangyarihan sa kanila; at ang batas ng pagtutuli ay natapos na sa akin.

At sa ganitong pamamaraan ipinaalam ng Espiritu Santo ang salita ng Diyos sa akin; dahil dito, minamahal kong anak, alam ko na isang malubhang pangungutya sa harapan ng Diyos, na inyong binyagan ang maliliit na bata.

From section: Ang Mga Pagsisikap Pangrelihiyon

From page: Ang Pag-unti at Pagbagsak ng Mga Nephita

Commentary