Masdan, sinasabi ko sa iyo na ituro mo ang bagay na ito—pagsisisi at pagbibinyag sa mga yaong may pananagutan at may kakayahang gumawa ng kasalanan; oo, turuan ang mga magulang na sila ay kinakailangang magsisi at magpabinyag, at magpakumbaba ng kanilang sarili katulad ng kanilang maliliit na anak, at silang lahat ay maliligtas kasama ng kanilang maliliit na anak. At ang kanilang maliliit na anak ay hindi nangangailangan ng pagsisisi, ni ng binyag. Masdan, ang binyag ay tungo sa pagsisisi sa katuparan ng mga kautusan para sa kapatawaran ng mga kasalanan.