Subalit ang maliliit na bata ay buhay kay Cristo, [i]1213[/i] maging mula pa sa pagkakatatag ng daigdig; kung hindi gayon, ang Diyos ay isang may pagkiling na Diyos, at isa ring pabagu-bagong Diyos, at may pagtatangi sa mga tao; sapagkat kayraming maliit na bata ang mga nangamatay nang walang binyag! Samakatwid, kung ang maliliit na bata ay hindi maliligtas kung walang binyag, sila ay tiyak na matutungo sa isang walang katapusang impiyerno.
Masdan, sinasabi ko sa inyo, siya na nag-aakala na ang maliliit na bata ay nangangailangan ng binyag ay nasa sukdulan ng kapaitan at nasa mga gapos ng kasamaan; sapagkat siya ay wala ni pananampalataya, pag-asa, o pag-ibig sa kapwa-tao; anupa’t kung siya ay mahihiwalay habang nasa ganoong pag-iisip, siya ay kinakailangang bumaba sa impiyerno. Sapagkat kakila-kilabot na kasamaan ang akalaing iniligtas ng Diyos ang isang bata dahil sa binyag, at ang isa ay kinakailangang masawi dahil sa wala siyang binyag.