Sa aba nila na magliligaw sa mga landas ng Panginoon sa ganitong pamamaraan, sapagkat sila ay masasawi maliban kung sila ay magsisisi. Masdan, ako ay nangungusap nang buong tapang, sapagkat may karapatan mula sa Diyos; at hindi ako natatakot kung anuman ang magagawa ng tao; sapagkat ang ganap na pag-ibig ay nagwawaksi ng lahat ng takot. At ako ay puspos ng pag-ibig sa kapwa-tao, ang walang hanggang pag-ibig; anupa’t ang maliliit na bata ay magkakatulad sa akin; kaya nga, mahal ko ang maliliit na bata nang ganap na pag-ibig; at silang lahat ay magkakatulad at mga kabahagi sa kaligtasan.