At ang mga unang bunga ng pagsisisi ay binyag; at ang binyag ay dumarating sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikatutupad ng mga kautusan; at ang pagtupad sa mga kautusan ay nagdadala ng kapatawaran ng mga kasalanan; At ang kapatawaran ng mga kasalanan ay nagdadala ng kaamuan, at mapagpakumbabang puso; at dahil sa kaamuan at mapagpakumbabang puso ay dumarating ang pagdalaw ng Espiritu Santo, kung aling Mang-aaliw ay pumupuno ng pag-asa at ganap na pag-ibig, kung aling pag-ibig ay tumatatag sa pamamagitan ng matiyagang panalangin, hanggang sa dumating ang wakas, kung kailan ang lahat ng banal ay mananahanan kasama ng Diyos.