Masdan, anak ko, ako ay susulat na muli sa iyo kung ako ay hindi kaagad hahayo laban sa mga Lamanita. Masdan, ang kapalaluan ng bansang ito, o ng mga tao ng mga Nephita, ang magpapatunay sa kanilang pagkalipol maliban kung sila ay magsisisi. Ipanalangin mo sila, anak ko, upang ang pagsisisi ay dumating sa kanila. Ngunit masdan, ako ay natatakot na baka ang Espiritu ay tumigil na sa pamamatnubay sa kanila; at sa bahaging ito ng lupain ay kanila ring hinahangad na ibagsak ang lahat ng kapangyarihan at karapatang nagmumula sa Diyos; at kanilang itinatatwa ang Espiritu Santo.