Minamahal kong anak, ako ay muling sumusulat sa iyo upang malaman mo na ako ay buhay pa; ngunit ang bahagyang maisusulat ko ay yaong kahambal-hambal. Sapagkat masdan, ako ay nagkaroon ng matinding pakikipaglaban sa mga Lamanita, [i]3590[/i] kung saan kami ay hindi nagwagi; at si Arkianto ay bumagsak sa pamamagitan ng espada, at gayon din si Luram at Emron; oo, at nawalan tayo ng malaking bilang ng mga piling tauhan.